kalyo-tiklado


Ganto ko, ganto yun
January 13, 2009, 2:51 am
Filed under: Uncategorized | Tags:

Kakaibang tambalang salita ang kalyo-tiklado, ndi ko nga rin maubos maisip kung bakit ko pinamagatan ng ganto to. Likha to ng malikot kong pag-iisip at hahayaan ko na ding maglaro ang mga isipan nyo para bigyang kahulugan ang pamagat at mga nilalaman nitong pahinang ito.

Sino nga pala ako…
well, dati, nung bata pa ako, “ñor” kung tawagin ako ng mga ate ako, si ate fel at ate jing, “junior” naman sa mga kaklase ko. Madyo nakakasuya nga lang kasi lahat ata ng bahay sa Barangay San Sebastian ay may nakatirang Junior. at kahit mapunta ka pa sa ibang lugar, ndi mawawala ang pangalang junior, bahagi na ata ng kulturang pinoy ang pangalanan ang anak na lalaki sa ngalan ng tatay. kakatuwa.

High School hanggang ngayon, “Jun” na ang tawag sa akin, mas komportable na ako dun kasi tunog matured na, ndi na totoy di ba?

Hindi ako matalinong tao, pero lalung ndi naman bobo. mahilig lang talaga akong umiwas sa mga bagay na inaakala kong makakapiga sa utak ko tulad ng:

pagbabasa - tingin ko pa lang ang isang makapal na libro nasusuka na ako. kahit ganu kaganda ang cover nito ndi ako naaakit na buklatin ito dahil alam ko na ndi ko rin matatapos ang isang pahina na walang binabagtawang talata. Ganun ka igsi ang pasensya ko pagdating sa pagbabasa. Not unless, songhits o literature ito na nagpapaliwanag tungkol sa pagtipa ng isang kanta. yun, papansinin ko siguro.
Madalas, me bago akong gadget, dahil nga mahilig ako sa mga digital na abubot, tulad ng camera, cellphone, etc. pero nakuh… hindi ko magawang magbasa ng MANUAL. ndi ko nakagawiang buklatin ang mga nakaipit na babasahin sa mga ‘to, mas intresado akong isaksak agad ito o kabitan ng power supply at hanapin ang power at hanapin ang play. Nakakatuwa ba? uy, excited… ganun ako…

Simpleng paglalarawan lang yun ng pagkatao ko, pero malinaw na kung paano ako makisama sa tao, kung gano din ako kadali pakisamahan. sa sikolohistang salita, hindi na ako mabusisi sa isang tao, saan ka man, sino ka man, santo ka man o kabaligtaran, di problema yan.

Isa akong musikero…

ako to

ako to


may kalyo na mga daliri ko sa pagtipa ng mga tiklado, halos araw-araw araw, gabi-gabi (didith reyes yun ah) me gig, kulang na lang mag resign ako dito sa munisipyo ng ramon para matugunan ko lahat ng mga invitations ko, pero HINDI… permanente na kasi ako dito sa lokal na pamahalaan ng Ramon, kaya hanggat maaari, priority ko dito.

Tumanggap naman ako ng regular shows ko sa Big Brother Grill, sa Santiago City, Every wednesday. 8:00 to 12 midnyt yun… hindi yun formal na show ha, medyo comedy nga ang dating dahil me topak din ang mga nakaka-jam ko dun. masaya kumanta dun kasi madaming tao, madaming natutuwa lalo pang nagto throw na ako ng mga karumal-dumal na adlibs. Variety ang mga kanta namin dito, umiinog sa Pop ballad, RNB, at mga babuy na babuy na oldies… hehe, kung anu-ano ang ginagawa namin sa mga oldies… minsan munta ka.
Sa Countryfarm naman, every friday ang show ko dun, mag-isa lang ako sa entablado, At minsan iisa lang din ang kinakantahan ko, yung CASHIER LANG hehe.. ndi nga.. pag minalas talaga yung restobar na yun, magdamag walang tao, pero pag sinuwerte naman, lahat ng upuan occupied. Medyo malayo kasi sa urban core ng santiago, tapos around 200 meters from the national highway kaya ndi talaga papasukin yun ng mga taong walang dalang sasakyan. di tulad sa Big bro na halo halo ang costumer, me tambay, me pokpok, me matanda me sobrang tanda pa… hehe.. sa countryfarm, siyempre, country songs, pop ballad, oldies na formal at konting mga bago… masaya din dun lalo’t me dala kang syota… tago kasi ang lugar.

yun dalwang set na yun tuwing linggo ang nagsisilbing outlet ko sa trabahong opisina at bahay. pero madalas, me sabado ako, kundi kasal, libing, misa, at corporate occasions and the like… madami na din ako narating na lugar dahil sa pagtugtog ko. hotel sa manila, restoran sa tuguegarao, kalye sa angadanan, resort sa alicia, burol sa quirnio, parangal sa Nueva Vizcaya at grand opening ng banko sa cordon.

hmm… eto ako, tipa ng tipa sa keyboard ng computer pero ndi na ako nag eedit, tinatamad ako, bahala na kung me mali, basta nasabi ko kung ano ang kalyo-tiklado… at bilang panghule, ndi ako makakatugtog ng matagalan kung walang kalyo ang mga dulo daliri ko.



DINADIAWAN
July 29, 2009, 5:10 pm
Filed under: jun seeriales | Tags: , , , ,

DINADIAWAN
Dipaculao, Aurora, Philippines

my giorgio armani phone

my giorgio armani phone

Bago ang sim card ko, sobra na ang mga nagtetxt mga ndi ko kilala at marahil hindi din ako kilala kaya nakikipag batuhan ng ibat ibang klaseng mensahe. Minsan pinapatulan ko, pero lalong kumakalat ang numero ko, kaya minarapat kong palitan ko na lamang ng bago. Nasa botaka ako ng maisipang ipadala na ang namecard ko sa mga taong madidikit sa akin. Isa sa pinadalhan ko si Sir Eugene. Manager ng Agri-component sa Cauayan City, kumpanyang gumagawa ng mga mechanical dryers at malalaking traktor para sa pagsasaka. Hindi mahilig magreply sa text si Sir, Tumawag agad. Sabi niya, Invite daw niya ako magperform sa resort nila sa May 1-3 sa Dinadiawan Beach Resort, pag-aari nilang magbabarkada yun, nagdadalwang isip ako kasi mahirap ang daan, bukd sa single lane at hindi pa sementado, apat na oras yun na babagtasin at sobrang nakakapanghina dahil matatarik at masahol pa sa u turn ang mga kurbada nito sa tuktok mismo ng ng mga bundok. Umoo ako, dahil magandang pagkakataon ito na na makikita ko na ang matagal na niyang ikinukuwentong resort nila. Libre sasakyan siyempre, libreng cottage, libre ang pagkain. Nakakatuwa, bakasyon grande na nga, me talent fee pa.

Isa sa kundisyon na hiningi ko e ang dalin ang aking asawa sa resort ng hindi naman ako maboring pag day-time. kasi nga gabi lang ako mag se-set, alangan naman na yung mga tauhan ko lang ang dadalhin ko, tagabuhat ng speakers at amplifiers, at ang aking techman na siyang bahala sa mga koneksyons nito. Me saya akong naramdaman nung sagutin ako ni Sir Eugene ng “oo naman, pwede mong dalhin si mrs”….

Ikinommit ko na nga ang unang linggo ko ng Mayo  para sa First Quarterly Meeting ng Agri-Component Group of Companies. sa Dinadiawan, Aurora Province para sa dalwang gabing show.

Alas sais ng umaga kami sinundo ng Pick-up ng Kumpanya. Puno ng gamit ang sasakyan, pero may paunang salita si Sir. Sabi nya, dahil walang tigil ang ulan ay pihadong hindi kanais nais ang daan, kaya para maging safe, kelangan naming sumakay ulit at ilipat ang mg gamit sa arkilado nilang bus na hanggang dibdib ang taas ng gulong, pang-bundok talaga.

Napangiti ako, masusulit ang mga P.A. ko,  biro mo, ilang beses silang maglilipat ng sound system. – naganap nga….

Natural sa biyahe ang mga kamalasan, pero wala akong pakialam. okay lang sa akin na along the way, me sumabog sa makina at kinakailangang ipa welding, okay din sa akin mabibingi ako sa barurot ng drayber dahil sa laki ng makina nito, pumipito nga ang tambutso, talagang hindi ordinaryo ang sasakyan na kinalalagyan namin, sanay na ako sa ugong at mga kalampag ng mga bakal na dulot ng matagtag na daan. Naisip ko, panu pag hindi na tumunog ang mga ampli ko pag dating dun, panu kung nagkalaglagan na ang piyesa ng keyboards ko… di bale, basta makarating kami he he… si misis, di masyadong halata na ninenerbyos siya, in fact, nakatungtong na kami sa pinagkukutan niya ng butong pakwan…. dun nya binuhos ang kaba sa dibdib niya.

Lagpas oras pananghalian ng makarating kami dun, ganda nga ng lugar, payapang dagat, hanging amihan, puting buhangin, puno ng niyog, cottage, alak, juice, buko at mga palatandaan ng resort. Eksklusibo para sa mga taga agri-component ang tatlong araw na yun, kaya walang mga guests na iba. Pinasalubungan kami ng buko na tigpas ang taas at me nakapasak na straw, haay… sarap… nakakapawi ng pagod at takot ang pagtanggap nila sa amin, saka sa ganda ng lugar, di ko maiwasang ilabas ang SLR digicam ko. nilagay ko agad sa ISO 400 para kahit na ganu kabilis ang mga still photos ko, siguradong captured ko, lalu pat mga tubig ang pinag-uusapan. naka ASA 2000 na din ang speed ng shutter ko… ready na sa mga aksyon ng mga alon. Pero hinila ako ni misis, kain muna tayo ika nya….

unang buka ng lente

unang buka ng lente

Binigay na nila ang mga room assignments namin hilata muna ng sandali. “Palpa” ang tawag sa ilokano, yung pagkatapos kumain ba eh hindi muna gagalaw, konting relax ng hindi magkabuhol-buhol ang bituka.

Naalala ko, madalas kong iguhit ang dagat nung bata pa ako, sa back cover ng mga notebooks ko yun ang laman, yung shade ng alon na papuntang aplaya. ‘tas sa dalampasigan me isang naglalakad, at siyempre dalawang bakas ng paa, isang pares para sa ‘kin at isa naman sa Panginoon… Madalas na yun ang subject ko nun pag nag i iskets ako sa mga pahina ng notebooks ko, na inspira kasi ako sa kantang yun. Footprints in the sand ang pamagat. ‘Lam kong alam nyo din yun. Ndi ko nga makakalimutan ang bottom line nun, “My son, my precious child, I love you and I would never leave you, during the times of your suffering, when you could see only one set of footprints in the sand, it was then that I carried you…” paulit ulit yun na ginuguhit ko sa aking kwaderno paulit ulit ding naging inspirasyon ko sa buhay ang mga linyang yon.

tahimik lang ang tubig...

tahimik lang ang tubig...

Yun na nga, andami kong kuha, bato, tubig, paa, cellphone, lahat ata ng pwedeng kunan shinoot ko na, antagal ko na kasing hindi humahawak ng lente, dahil medyo bumibigay na ang mata ko sa kasisilip sa eyepiece ng camera, nagkagrado na. At ngayong hindi naman sensitive ang mga subjects ko kundi puro available lights lang ang minemetro sinamantala ko na. Rumatrat na ang kamera ko.

Mga dalwang oras din akong lumibot sa aplaya para hulihin ang mga angulo ng resort. At maya-maya, tumigil na ako sa duyang hinabi na kinalalagyan naman ng aking asawa…

Muli, eto na naman ang madrama naming tagpo, ang pag usapan ang aming nakaraan, kasalukuyan at pang-hinaharap na katayuan sa buhay.

pa-lovers....

pa-lovers....

Sa saloy ng dalampasigan, lumalim ang pag-uusap naming magkatipan. At kung saan-saan dumapo ang aming usapan, narong matigilan kaming tumatawa at nagyayakapan sa pag-aala ala ng kami ay nagliligawan pa lang. Magsisihan sa mga panahong kami ay nagkatampuhan, Magtuksuhan sa mga panahon ng aming kahinaan.  At ang pinakamahalaga, ang Magising kami sa katotohanang, malayo na pala ang aming nasimulan, matibay na pala ang pamilyang aming binuo at ang tanging nasa isip namin ngayon ay kung papano pa namin mapagyayabong ito at isakatuparan ang pangarap naming maibigay ang BEST para sa aming mga anak.

Me tawag na mula sa campo ng mga boss, dinner is served at hudyat na din ito para ihanda ang sarili sa unang gabi ng pagtatanghal. Kain, ligo, bihis at eto na… It’s show time!!!.

Sa bawat bitiw ko ng kanta, ibat ibang klase ng appreciation ang natatanggap ko, me sumamasabay habang ako ay kumakanta, meron din naman introduction palang e pumapalakpak na, meron din namang parang wala lang… siguro sila yung busy sa pakikipag usap sa katabi, me dinaramdam o kaya naman ay matyagang pinakikinggang ang paglapat ko kanta.

di mo ako makikita... ako photographer eh

di mo ako makikita... ako photographer eh

Saan mang sangay ng Agri Component sa Pilipinas galing ang mga participants ng gabing yun ay nakiisa naman silang maki-jam sa akin. Sa ibat ibang estado nila sa buhay ay wala namang napaisantabi.

Ang kaigihan ng pagdadala ko ng alalay sa ganitong mga pasyalan o tugtugan ay sa panahong, natutuyo ang aking lalamunan at kinakailangang masayaran ng mainit na kape. kakatwa pero ito ang palatandaan na me lahi nga akong Cagayenyo dahil anu mang oras, panahon man ng taglamig o tag-init, kape na ang nagsisilbing pamatid uhaw at oras. “Oist, kape nga….” ganyan ang mapag-utos kong tinig na bumabato sa dalwa kong kasama na parehong binatilyo.

Mag aalas dose na ng matapos ang unang gabi. iniwan ko ng nakatiwangwang ang mga gadgets ko, dahil tulad ng sabi ko, me mga PA ako na gagampan nito. At bago kami tuluyang naghiwa hiwalay, niyaya na ako ni boss Eugene na sumama kinabukasan sa isang bagong bili nilang island, me konting boating, walking, hiking at higit sa lahat, gaganapin ang tree planting nila sa bundok. Ka saya kasi madaming ma ca capture ang camera ko… isang experience na naman ito…

Diretso cottage, at nadatnan ang tulog ko ng asawa. Nais kong gisingin dahil iilan lang ang pagkakataong ganito, nasa malayo, malayang gawin lahat ng maaaring gawin dahil wala ang mga bata… pero naniig sa isipan ko na bigyan na lang siya ng payapang gabi, tutal kahit saan, kahit anung oras man, maaring maganap ang pulot pukyutan na tinatawag…

along the beach... my wife, sunog ang labi kaya bawal mag lipstick

along the beach... my wife, sunog ang labi kaya bawal mag lipstick

Maaga kaming nagising ni mrs, madilim pa pero bukas na ang reception kaya naikuha na niya ako ng mainit na kape. Di kami nag aksaya ng time, kaya ng matapos kaming makapag emote ng konti, nagtungo na kami sa dagat at nagbabad hanggang unti unting nagsidatingan ang mga tulad naming bakasyunista.  Para kaming matagal ng magkakakilala ng mga taga agri, kwentuhan habang nakababad sa tubig alat, me nagpapatawa, me tawa ng tawa, me tahimik, me nag se self pity at meron din namang hinahanap ang sarili.  Maya-maya, “breakfast is ready” sigaw ng public address na nakatutok sa me banda namin,  at exactly 8:00 o clock daw aalis na ang grupo patungo sa reef.

Tubig, camera, tulos o tree guard para sa itatanim naming puno ang tangi naming dala. At kahit hindi kami miyembro ng agri, nakipag tanim na din kami. Mga twenty  minutes sigurong binagtas ng bankang de motor ang lugar. Along the way, napakalalaking adobe… matutulis at matatarik, mga batong inukit ng dagat. Kay sarap pagmasdan ang pagyakap ng alon mula sa paanan hanggang sa tuktok ng mga itim na bato at pagdakay unti unting lilisanin nito dala ang mga bula na gawa ng maliliit na ukit ng bato.  Sadyang kamangha-mangha ang yamang dagat at lupa na aming nasilayan dito. Wala namang tigil ang shutter ko, walang sinayang na eksena.diandayawan2

Napakabato nga ng dinaungan naming dalampasigan. Sayang at hindi pwedeng gawing beach, puti ang buhangin pero madudulas at matutulis ang mga bato. Napakaraming buko ang isinalubong sa amin ng caretaker ng pulo. Yun na pala ang pinaka mineral water dun, ni hindi man lang magtangka ang iba na buksan ang laman ng buko at kainin buko, tanging ang tubig lamang nito ang naging interes nila… kaiba naman ang asawa ko, pinabiyag ang buko na tangan nito at kinayod ang laman, madami na rin ang nagsipag sunuran, oo nga naman, mga taga maynila din naman ang iba sa amin kaya hinihintay lang nila na may manguno sa pagkain nito.

Nag-umpisa ng magtanim ang iba pagkatapos nun, kasama namin ang ilang opisyal ng DENR para sakhisan at i dokumento ang seremonial tree planting na naganap. at higit sa lahat, isang group picture ang naganap.  Siyempre hindi ako kasama kasi ako ang photographer.  Busog pa rin ang mga bundok ng mayayabong na puno, pero kinakailangan nilang i preserve at dagdagan ang mga puno na

aray! bawal madulas... bagok ka dito....

aray! bawal madulas... bagok ka dito....

nagpapaganda ng tanawin.  Dito nga pala sa Aurora, napakamura pa ng mga lumber isa sa pinangarap kong iyuwi ay ang klase ng kahoy na kung tawagin ay “sopa”, ito raw ang ginagawang lapag ng bowling lanes, matibay at matigas ang kahoy na ito at nuwebe lang ang isang boardfeet, Sayang nga lang at bawal ang mag-uwi nito. kayat hanggang tingin na lang siguro ako sa pulang kahoy na ito.

Hiking ang sumunod na eksena, paakyat na kami ng bundok, hihawi ang  mga nadadaanang halaman, nakakatuwa mga kabuteng de kolor, mga baging na matataba, mga puno na singlalaki ng bahay ang puno, mga tuyong dahon ang nilalakaran. Sorbang lamig ng hangin dito dahil wala kang makikitang langit, p
ag tumingala ka puro dahon ng sari saring kahoy ang makikita. Nakakahingal, sobra.. hindi na namin nakayanang mag asawa  na ratingin pa ang dulo nito kaya tumigil na kami ng makakita na naman kami ng matarik na hagdang gawa sa inukit na lupa ng bundok. Bahagya akong naupo upang magpahinga, at tuluyan na kaming bumaba.

Sa paanan ng bundok, may hindi pangkaraniwang likha ng Panginoon ang namataan ng aking  mahal na asawa. mga shells na gumagalaw, laking tuwa niya dito.  “Umang” kung tawagin ang mga ito, mga buhay na shells, ibat ibat hugis at kulay. Kay tiyaga nyang namulot at isinilid sa lalagayan ng mineral water na 1.5 liters.  Madami pa kaya nangailangan pa siyang manghingi ng extra bottle.  “Matutuwa ang bunso naming si Justin aniya… Eto nga pala yung binibili niya sa harap ng Central School na tig lilimang piso ang isang lalang.

Pinutakte ang kinalalagyan ng umang. lahat halos ng taga agri ay namulot. Maganda nga namang ipang pasalubong ang mga umang…

diandayawan5Masayang bumalik sa resort ang grupo. tamang tama, nakahanda na ang pananghalian. Damang dama namin na nasa coastal town kami, kasi ang ulam exotic din, alimasag, hipon, blue marlin… nakaktuwa. nakaabang pa ang ga bundok na buko… san ka pa.

Sa ikalawang gabi ng aking pagtatanghal dito ay naging palagay na ang grupo. Wala ng nais paiwan, Lahat nagnais ng kumanta, ibat ibang presentasyon, me mga kantang panahon pa li Limahong, mga kanta din namang di nawawala sa ere, mga retro at meron ding bumirit at nagsipag banat ng mga steevie wonder.  Mas masaya ang ikalawang gabi, marami ang sa kanilay nalasing,  kasi nga naman, huling gabi na namin ito, bukas kinaumagahan, maghahanda na kami para sa ming pag babalik probinsya.

Diandyawan.   yan ang mga letra sa mga telang nakasabit pahalang sa mga buho na nakatusok sa gilid ng beach, isang hirela yun at sari sari ang kulay ng mga silk. Kung Makakabalik man kami dito siguro may katagalan muli.  Hindi basta basta ang pumunta sa lugar na ito, dapat planado at maraming kasama. Sa huling pagkakataon, nilibot naming mag-asawa ang lugar. tanda ng isang pamamaalam.

Maayos na ang lahat ng aming gamit, nai kahon na rin namin ang mga corals na ibinenta sa amin ng mga batang pampang… singkwenta pesos ang halaga nito at napakarami na. Natuwa nga ako sa isang bata na ininterview ko, ang apelyido daw niya ay Macasinag, pero wag ka, wala kang makikitang sinag sa kulay ng balat nito…. parang chocolate, makintab pa, ahmm marahil nandun ang sinag sa kintab ng kanyang balat na maitim.

Muli ang apat na oras naming biyahe pauwi ng Isabela… At diretso na kami hanggang sa gate ng aming bahay… Masaya naman kaming sinalubong ng aming mga supling, at kaagad, nagpahanda si misis ng batsa para ibuhos ang dalwang bote ng umang… sumisigaw sa galak ang dalwa kong anak… aalagaan daw nila ang mga ito….



Kami pagkatapos kumanta
July 29, 2009, 1:06 pm
Filed under: Music, jun seeriales
sa aking set... sa mga set..  ibang set pala ito...?

sa aking set... sa mga set.. ibang set pala ito...?

Madaling araw na.

Gising pa ang mahal kong asawa.

Rinig ko ang marahan nyang yabag galing sa aming kuwarto.

Halos tuwing Miyerkules, Biyernes at Sabado ganito ang eksena namin. Ako naman, kasalukuyang hinahalo ang bagong timplang kape, inaaabangan ang paglitaw ng kabuuan nya galing sa paseo ng kuwarto. At tulad ng inaaasahan ko, isang tipikal na asawa ang muli kong masisilayan, bagong tayo mula sa kinahihigaan, ndi pa nakasuklay ng buhok at halos hirap na ibuka ang kanyang mata, pero kapag nagtagpo na ang aming mga mata, mabibiyak ang aming labi at may sayang dulot ang muli naming pagkikita. Minsan, may kiss, minsan isang malambing lang na pagbati sa isa’t isa.

Ang nagdaang gabi ay hindi pangkaraniwan sa akin, at sigurado kong hindi rin pangkaraniwan para sa aking kabiyak ang mga bubuksan kong kuwento mula sa aking pinagkaabalahan kani kanina lang…

Malapit na ako sa pintuan palabas ng bahay, ng magpang-abot ang aming mga labi, bitbit ko ang isang tasa ng kape at tangan naman ng kaliwang kamay ko ang cellphone at bawas na kaha ng sigarilyo at lighter. Sabay na kaming lumabas ng pinto at tulad ng dati, mauupo ako sa butaka (rocking chair) itataas ang paa at handa ng makipagkuwentuhan sa kanya na nakaupo naman sa isang loud speaker na nasa tabi ng butaka.

Hindi nga marahil pangkaraniwan ang gabing ito, bukod sa inspirado ako sa pag-uwi, inspirado din akong ikuwento sa asawa ko ang mga nangyari kanina.

Okay folks, nakakalungkot but I am now giving you my last piece for my last set, a song popularized by the late Luther Vandroz and lately revived by Celine Dion, a song specially dedicated to all Dads, and this has been your friend Jun  saying good night everyone, see you again, same time- same place, only right right here on Country Farm Hotel and Resort

…..pero teka, patakbong palapit ang aming supervisor mula sa backstage, “nandiyan si bossing sa likod, yun daw kinanta mo nung pumunta si mam yung dance with my father”

napangiti ako, flattered…. kasi miminsan lang kung mapadpad ang may ari ng resort, at may special  request pa.

Actually, yun naman talaga ang aawitin ko, kaya irere-introduce ko na lang.

“Since we have Sir Roger tonight and with a shouted request huh, I’m personally dedicating this piece sa kanya, Sir ha… binabantayan mo kami-jowk lang po sir hehe… and of course, sa lahat ng mga tatay, para sa inyo po ito….”

Napangiti ang asawa ko sa kwento ko, Galing mo talaga pah, aniya…sabay hug siyempre…  pero hindi lang yun ang gusto kong ikuwento sa kanya, kundi eto….

kami... pagkatapos kumanta...

kami... pagkatapos kumanta...

Pababa na ako ng stage  at sinadyang lumingon sa likod, nandun nga si Sir Roger, nasa isa sa mga umbrella kung tawagin. sa tabi ng club house. nakangiti, kahit kapos sa ilaw ang lugar na kinalalagyan nya, bakas sa mukha nya ang ngiti, at pagdakay kumumpas na ang mga kamay… tinatawag ako.

Wala lang, gusto lang kitang marinig kumanta ulit sabi nya, sir naman nambola pa ikako.

Naupo ako sa tabi nya, kasi siya ang humila ng silya bilang alok.

Madami kaming napag-usapan, sa trabaho, sa mga kanta ko, at higit sa lahat sa kawalan daw ng bakas na namrublema ako. Ang ibig niyang sabihin, sa mga bato ko sa stage kanina, wala na daw siyang nararamdaman na prublemado ako. At siyempre, pinagtanggol ko ang aking sarili, nasabi ko na natural lang ang magkaroon ng problema, lalo na sa buhay mag-asawa.

Bahagyang nahiwagaan si bossing sa tanong ko. “Sir, bakit kasi naiinggit ako sa mga kapitbahay naming masaya, samantalang malayong mas maginhawa naman ang pamilyang binuo ko, una, dahil sa labing isang taon naming pagsasama, ni minsan, hindi ako nakaramdaman ng kakulangangang pinansyal. Kung sa pagmamahal naman, punung puno naman kami, pero bakit me inggit?”

Bumuntung hininga ang tsinoy. Me nagbago sa mukha niya.

“Alam mo Jun, napakalaking balakid sa buhay yang inggit na ‘yan na nararamdaman mo, mali yan. napailing pa ang matanda. Kung sa tamang angulo natin titignan, and dapat na mainggit ay ang kapitbahay mo.
Akala mo lang inggit yan… pero hindi, subukan mong palalimin ang pagkilala mo sa kanila, malalaman mong mas masaya ka nga kesa sa kanila.”

Ako nun aniya… nasubukan ko ding mainggit sa mga kaklase kong mayaman, pero kusa kong napaglabanan.  Yung kaklase kong yun na sobrang yaman, konting bagay lang na tinanong ng teacher ko, itatanong pa daw sa parents ang desisyon, so ibig sabihin, kahit na kapos ang pera ko sa bulsa, buo naman ang isip ko na gumawa ng hakbang para sa sarili ko, anu mang oras kung hinihingi ng panahon.

Naiiinggit nga ba ako? siguro konte oo.
Sila kasi, ang kasiyahan sobrang babaw. konting mga bagay lang dinig ko na pag nagtatawanan sila. Makatikim lang ng cola sobrang saya na, parang gusto pang ipamalita na umiinom sila ng softdrinks, samantalang wala akong maapuhap na kaligayahan dun kundi konting pangamba na baka madale na naman ako ng hyper acidity. May konting inggit ako kasi bakit sila, maligaya sa mumunting bagay. Masaya sa kapiranggot na tagumpay.

Sobrang tahimik ang pag-uusap namin ni Sir Roger. Hindi maipagkakailang me kaya siya sa buhay, sa mga nagkalat niyang negosyo sa rehiyon, ang fastbreak na sports center, ang gas station, ang hotel and resort at ang kinakantahan kong restobar, -pero… sa kuwento nya, nakakatuwang mas masaya siya nung hindi pa ganito kasagana ang buhay niya. Sabi nya, nun daw pag may singkwenta mil na siya,  walang duda daw na bibilin na niya ang alahas na matitipuhan niya. Ngayon kahit na ilang digit ang hawak niyang pera, me takot siyang magbitiw ng pera para sa mga bagay na gusto nya, madaming reservations, madaming duda. Mas malaki ang takot niyang ibigay ang luho sa sarili gayung kahit mag iiikot man siya sa mundo ay di matitinag ang salapi na hawak nya, dagdag pa dito ang mga anak nyang kapwa nya matagumpay sa larangan ng negosyo.

Wag na daw ako mangarap na yumaman ng tulad ng kalagayan niya dahil hindi daw peaceful ang isip ng mayaman. Marahil nga.

Madami kaming napag-usapan, buhay negosyo.

Kaya nga ba bago kami natulog ni misis, napagkaisahan naming wag ng maging sobrang seryoso sa pera. Tama na yung me trabaho kami pareho, me mga kinakantahang bar na nagsisilbing pinagbubugahan ko ng stress ko, mapalakpakan sa mga klase ng kanta ko at maibigay ang mga pangangailangan ng mga anak namin. Masaya na kami nun. Isa nga naman daw kasing rason ng inggit ko sa kapitbahay ang pagnanasa ko pang yumaman ng sobra, makapagyabang at maipakitang maginhawa ang buhay ko, yung madaming bago yung tatawaging latest model kapag inusisa ito.

So, umaga na. kelangan na naming matulog.



Ramon March
July 22, 2009, 5:57 pm
Filed under: Ramon March, jun seeriales

Music by: Apolinario Saludes

Lyrics by: Hipolito Bartolome


Ramon a town of promise

A place we all cherish

Where the leaders are loved and praised

By people strong and free all the years

From Raniag with its golden planes

To Planas o’er the rolling hills

Along the mighty Magat River

That waters the fertile lands

Oh Ramon a town’s striding fast

Since old  Oscariz its glorious past

Then Bugallon a site and foundation

Hail Ramon a town of promise re known!

So come and live with us

And feel the sweetness of the dawn

So come comrades all and join the throne

Of  happy and loving people!

Download the Midi Karaoke Version :

http://www.megaupload.com/?d=7ACM3WYH

Download the MP3 Drum & Lyre Version

http://www.megaupload.com/?d=KKT7HS38



Ramon Isabela – 2008
March 27, 2009, 1:30 pm
Filed under: Uncategorized

 

Brief Description of the Municipality

 

the municipal hall

the municipal hall

Ramon is a second class municipality based on the latest re-classification of municipalities of the province of Isabela contained in Memorandum Circular No. 01-M (35)-08 dated November 12, 2008 effective July 29, 2009. It has a total income of Seventy Eigh Million, Nine Hundred Ninety Three Thousand, Nine Hundred Sixteen Pesos and 54/100 (P 78,993,916.54) for the year 2008 having an increment of Twenty Million, Five Hundred Forty Nine Thousand, Five Hundred Sixty Eight Pesos and 54/100 (P20,549,568.54) or 35.16 % compared with last 2007’s realized income. Majority of its inhabitants derive their income from agriculture. It is for this reason that the main thrust of the Local Government Unit of Ramon are those which supports the agricultural sector.

 

the municipal seal

the municipal seal

The total population of Ramon is 45,258 based on the 2007 NSO Census. Its projected total labor force is 23,870 that could be either gainfully employed or unemployed. The municipality considers education of the youth as a basic need so the Local Government Unit maintains and upgrades nineteen (19) primary/elementary schools, One (1) barangay high school and 25 day care centers. To facilitate travel, the LGU maintains annually 224.648 kilometers of barangay roads and 24 kms of municipal streets.

 

The Magat River Irrigation Project spotlights the municipality into prominence at the same time ushering gains in terms of social and economic upliftment brought about by the influx of technological advancement in irrigation and electric power generation. The tourism potential of Magat Dam & Camp Vizcarra has been recognized. With the development of the area into a tourism complex and Camp Vizcarra into an ecology Park; it will bring an additional revenue not only to Ramon but to the Province of Isabela as well.

floating-housePeace and order situation is very much normal and under control through the collaborated efforts of the peace enforcers and the people of Ramon.

 

In the attainment of total development, the municipality is geared towards the promotion and attainment of social and economic development by increasing the availability and improvement of the quality of services extended to the people. Uplifting the living condition of the populace make them participative in the development process of the area.

 

To effectively and efficiently carry out the vision, the municipality has set the following sectoral objectives.

 

Improvement of the support services and facilities for commercial activities and to encourage and promote establishments of industries using local agro-base resources in the municipality. Tourism will be developed and improve roads and bridges will be considered as well as the improvement of the existing water system and upgrading of communication facilities.

With the pursuit of economic growth, improvement in the people’s welfare will be given emphasis. Employment and other indicators of the social sectors development is envisioned. Health and nutritional status of the people will be improved to decrease if not to eradicate morbidity in the area. It is the concern of the LGU to increase the literacy rate in the area especially to the most disadvantaged group. Housing backlog will be partially satisfied through government effort and assistance. Provide assistance to the marginalized families, encourage citizen’s awareness on sanitation and physical fitness activities and foremost is to provide maximum security to the people of Ramon.

 

fishlanding

fishlanding

The Municipality of Ramon has a total land area of 13,517.23 hectares as per actual cadastral survey conducted by DENR, Land Management Bureau. This is composed of variety of land uses that had evolved in response to the rapid demographic growth as well as the increasing socio-economic demands of the population of the municipality, Built-up area are occupy a total aggregate area of 503.70 hectares. Considered built-up area is the whole urban core, settlements in the different rural barangays and amenities. 9,917.50 is devoted to agriculture and the remaining 3,096.03 hectares are open grasslands, forests, open spaces and water bodies.



Baggao
March 6, 2009, 3:16 pm
Filed under: jun seeriales | Tags: ,

biyernes ng gabi nung nagpaalam ako kay mrs na dalawin ang mga pipinsan ko sa Baggao, Cagayan.

gusto ko lang makita kung ano na meron ngayon ang bayan ng aking tatay, 11 years na din nung huli kaming pumunta, nung naghihingalo ang lola namin… si lola Panchang. – nakakatuwa, kami lang ata ang hinihintay ng lola nung panahong yon… kasi nung makatalikod na kami, nalagutan na ng hininga ang lola.  isang passenger jeep nun ang naghatid sa amin, hindi ko na matandaan kung pano kami nakarating dahil ang mga dinaaanan namin ay puro footpath lang…  ‘yun…

Baggao, Cagayan

Baggao, Cagayan

 

andami……

napakaraming bagay ang nagpasaya sa akin dito sa Baggao, pagbaba ko pa lang ng sasakayan, sinalubong na ako ng aking tiyo,  si Uncle Mauro, at parang bulkang sumabog,  “Adda ni Junior!!!” (nandito si Junior)

Sunod sunod na sa paglabas ang mga tito, tita, pipinsan at nagdatingan na din ang mga kapitbahay… ang saya talaga…. halik sa pisngi, yakap, at katakot takot na “alamano” ang inabot ko dito. hindi naman ako pulitiko o artista hehe… nasabik lang sila sa akin, o sa imahe ng tatay na sinasabi nilang kamukha ko.

naramdaman ko na napaka importante ko dito sa lugar na ito, minsan nga me dumaang tao, tinitigan ako, tapos sabi niya, “anak na ka ni fely?”  “wen antie…” magkamukha nga ba kami ni tatay? hehe… oo nga siguro kasi halos lahat ng makakita dun sa Baggao e sinasabing “karuprupa latta ni manong Fely

 

Cagayan River

Cagayan River

syempre, di ko makakalimutang maligo dito sa ilog na ito… bakit kamo? dito na din kasi ang palikuran hehe…  jowk!

napakatahimik ng paligid, napakasariwa ng hangin. sa mga panahong ito, wala pa namang mga lulutang lutang sa ilog, malinis parin naman. kita mo yung tulay sa may di kalayuan, dati, nung huling punta ko dito, wala pa ito. kinakailangan pang mamangka para makarating sa kabila.  “Dammang“ kung tawagin ito.  sa gilid gilid ng ilog, nandun ang mga taniman ng mga mais, tabako mani at iba pang mga gulay.

TABUKOL

TABUKOL

 nakakatuwa maligo dito, kasi okay lang na walang saplot. natural na sa mga Baggaoenio ang hubot-hubad maligo sa ilog na ito, kung may dumaan man, ilubog mo lang ang katawan sa tubig-solve na.  

 

eto naman si uncle Juan Yap.  meztizong tsino, kabiyak ni anti bening. limang taong gulang pa lang ako, eto na ang kanyang pinag lalaanan ng bakanteng oras niya- ang mag habi ng fish net o “Tabukol” ewan ko lang kumg me ilang daan na siyang nagawang ganito.  walang kapaguran si uncle juan, nagtatanim ng palay, tabako at mais, at siyempre, hindi niya makakalimutan ang mangisda, dalwang beses siyang lumusong sa ilog para mangisda, als onse ng umaga at alas otso ng gabi.  pinaliwang niya ang iba’t ibang estilo nya sa pangangalap ng isda.  una, me bigkis ng water lily na nagsisilbing pain at itlugan ng mga isda lalo na yung russian fish na tinatawag, me lata ito sa bandang gitna at may pako na kakalembang sa lata pag nagalaw ng isda,  at kapag tumunog na ito, tanda na ito na may isda sa ilalim ng water lily, yun na din naman ang pagkakataon para ihagis niya ang tabukol at pagdakay, iaahon na ito at baka me huli na. me gadget din ang uncle na Pana, mahilig daw dito ang tatay nung nandun pa siya sa cagayan, sisisid daw sila sa may pinakamalalim na parte ng ilog, suot ang antiparra at pag nakakita ng isda, tsug! patay ito sa panang dala nila. ang pangkaraniang  karabab o russian fish na nahuhuli nila sa pamamagitan ng pana ay nagtitimbang ng 8-10 kilos. kaya kapag nakakuha ka ng isa, isang linggo mo na itong uulamin. sarap no?

SEMILYA

SEMILYA

isa sa main source of income ng mga baggaoenio ay ang tabako. eto ang sample ng semilya, maliliit na tabako. handa na ito for transplant, in fact, sumama nga ako sa taniman nito, me mahigit na kalahating ektarya ang natatamnan nila sa isang araw. aapat lang siha ha, mukhang mabilis.

kasama ko si uncle Mauro at uncle Juan.

parang totoo naman o…!

pero hindi ko ata makayanan  ang magbilad sa araw, gamitin ang kamay sa pagtatanim, mainit kasi dahil nasa tabing ilog ang taniman. masarap pagmasdan ang mga nagtatanim pero ang gawin ang ginagawa nila ay hindi ko kaya… ang yumuko ng matagal?… never mind  naiipit ang tiyan ko. hehe

 

sa baba naman ang mga pinag pusihan ng mga yellow corn, ito naman ang pangunahing produkto dito.

 

ASAWA KO

ASAWA KO

 

as expected.

nalungkot ako dun nung second day, kaya abot ang text ko kay mrs.  abot ang tawag ko sa mga anak ko, pangarap ko ding dalhin sila dito pero sooner. kapag pwede na. baka kasi mahirapan sila, walang tindahan, walang bentilador, walang tv.

kaya eto, sa 3rd day ko dito, tinawag ko na si mrs. halika kako, maganda na  dito, madami ng pagbabago mula nung huli tayong pumunta.

sa eksenang ito (ASAWA KO), mga ilang oras pa lang nung dumating siya, dala niya ang mga ilang pasalubong galing sa ate ko na kinikilan ko dahil hindi makakarating. sabi ko, ate, kaw na bahala sa pasalubong ni mrs dito kasi nga ndi siya makakarating. yun, umulan naman ng mga avon products, kasi nga manager siya ng avon, me bag, pabango, tsinelas, etc.  si mrs  naman nagdala ng bigas, kasi tinext ko siya sabi ko, mah, ang bigas dito maitim at di gaanong mabango at ndi din masarap kaya kung gusto mo makakain ng maayos, magdala ka ng bigas natin. yun, nagdala siya ng halos kalahating sakong bigas.

REYNA NG BAGUNOT

REYNA NG BAGUNOT

eto na ang REYNA NG BAGUNOT, BAGGAO, CAGAYAN… si mrs.. hehe

 nung makaarangkada kaming dalwa, muli naming inikot ang mga pipinsan ko, at yun, flattered naman ako kasi nga ang ganda at ang puti ng asawa ko pagdating dito…  wala naman kasing maputi dito sa baggao, hindi naman kasi uso ang payong dito, lahat ng nagdaraan, walang sapin sa ulo. kung meron man, bayong, o tiklis ang laman ng ulo, me kargang mais o gulay… yun lang..

 

ansaya ko na lalo, dahil bukod sa kakaibang paligid, kasama ko na ang aking asawa.. dalwa pa kaming naghanap ng “spider” sa kamaisan. yun kasi ang bilin ng aking mga anak.  ibon daw at spider…hmmmp… kakatakot manghuli ng spider, kasi gabi, tapos tanaw pa ang mga campo ng mga sundalo sa taas ng bundok.  pero patay malisya kami, for the sake of our kids, pinasok namin ang malagubat na paligid at naghanap ng mga gagamba.  anlalaki, antatapang….

madami pang kwento tungkol sa bagunot… madaming twist sa kwento ng mga kamag-anak… sa mga mas matanda pa sa aking alitan ng mga lolo’t lola…. sa dahilan kung bakit umalis kami ng baggao… kung bakit pinili ng tatay na mag migrate kami ng isabela…

 

031

REFLECTIONs…. 

aliw na aliw si mrs habang kumakain ng ice drop na tig lilimang piso at nagtampisaw sa malamig na tubig ng cagayan river…

parang napakalapit naman ng pampang sa kanyang likuran pero wag kah… di mo kayang languyin yun dahil sa bandang dulo e malalim na…. kaya kuntento na lang si mrs na nandito sa gilid… ang linaw ng tubig…  babalik daw kami dito sa april…

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 
 

PAYAPANG HAPON

PAYAPANG HAPON

siyempre…. sa maghapong pamamasyal, dumarating ang payapang hapon kung tawagin, yung ala kang maririnig kundi huni ng nakakabinging kulisap at katahimikan.
sa isang payak na dampa ang nagsilbing kanlungan naming mag-asawa… walang foam, walang bentilador, walang lamok, walang istorbo…
sa inyo, anti bening, uncle juan, inzan ronie, uncle mauro, inzan tinay at edgar…  salamat sa masasarap ng ala-ala, hindi namin makakalimutan ang “TINUBONG ” na hinanda ninyo sa amin. actually yun ang kanin na niluto sa loob ng hilaw buho..  binalot ng dahon anahaw ang sariwang bigas, tinubigan at isinaba sa malakas na apoy.  ito daw ang gawi ng mga taga roon pag napupunta sa gubat. hindi na kinakailangang magdala pa ng kaldero para magsaing.  ang cool  talaga…  salamat sa ginisiang alamang na ansarap ng pagkakatimpla. hehe…   salamat BAGGAO!
 


my wife
February 24, 2009, 12:10 pm
Filed under: jun seeriales | Tags: , , ,

sa taas ng ginagawang bahaytulog pa ako sa pakiwari ko pero gising na ang diwa ko.

alas singko na ng umaga, ayaw ko pa ding bumangon, puyat kasi ako galing sa gig ko sa bigbrother grill,  restobar na tinuturing na pinakasikat sa Santiago CIty.

dinig na dinig ko ang aking asawa, galit siya habang inaasikaso ang mga anak ko na papasok sa eskwela.
“bumangon na kayo!, ako na naman ang kawawa mamya!, nood kasi kayo ng nood ng tv!” yan ang mga linya nya halos tuwing umaga mo siyang maririnig na sumisigaw ng ganun.

ang mga anak ko naman kasi, lalo na si Jeanne (11) , kabagal kumilos. babangon mula sa kama na parang nagrorosario at bubulong bulong pa. “hmp, ang aga pa eh” anas niya.  si Jason (4) naman, bago bumangon yun sa kama hihingin muna ang kanyang PSP, pag naka on na at habang nagple-play ang cinematics ang favorite game nya, saka pa lang siya tatayo, lilipat ng pwesto, dadalhin ang unan, minsan sa sala siya mahihiga ulit at maglalaro muna bago tuluyang hingin ang  kanyang agahan.

sa unang buka ng mata ko, hinahagilap ko na agad kung nasan siya, alam ko na hindi pa siya nakasuklay, buhaghag ang buhok, at sobrang abala sa mga gawaing bahay, pero kahit ganun ang mga eksenang nagigisnan ko, hind ko nakakalimutang hagkan siya, first thing in the morning at hihingi ng isang tasang mainit na kape bilang lambing ko.

nasa tumba-tumba ako madalas, hawak ang isang tasang kape, at sa isang kamay, me nakaipit na sigarilyo, yun na din ang panahon ko para pag isipan ang mga mangyayari sa buong araw. minsan dun na rin ako nagplaplano kung sino ang mga aalaskahin ko sa buong maghapon hehe.  sa portrait ko na yun madalas naabutan ni mrs, tatawagin din nya ako, “kain na tayo, ma le late na naman tayo nya, isang stick lang naman sana ah bago kumain.”  isang paalala na naman mula sa kanya, na napakahirap sundin, dahil ang sarap mag isip ng kung ano ano pag ganung umaga.

sa labing isang taon naming pagsasa ni juvy, siguro minsan o dalawang beses lang kaming hindi nagkasabay maligo.  sa araw araw na ginawa ng Diyos, pag dadampot ako ng bath towel, dalwa na kaagad ang dinadampot ko, sa banyo, napakarami na naming eksena na ginawa, nandung nag haharutan kami, naglalambingan, nag aaway, nagsasabunan at kung anu-ano pa.  nasanay na din kasi ang mga anak ko na sa lahat ng bagay e sabay kami, at dahil dun, hindi lang asawa ang turing ko sa kanya, siya na din ang aking bestfriend.

sabay kami…

sa lahat ng bagay hindi lang sa paliligo, sa pagbibihis, pagpasok sa office, miryenda, lunch, takas at lakwatsa sa palengke, sa mga botik, sa mga outings, sa paghiga, sa lahat… sabay kami.

isa siyang larawan ng  ulirang asawa….ulirang ina….

siya ang taong hindi na halos natutulog para lang ayusin ang mga anak sa ubod ng likot sa pagtulog. ang dalwa kong binata kasi, parang mga kiti-kiti pag nakahiga na, dalawa lang sila pero ang unan nila e mahigit sampu. at wag ka, sa ibabaw sila ng unan pareho natutulog, palipat-lipat, minsan biglang uupo at pag nahiga ulit, sa ibang unan na naman sila hihiga. madalas ka ding makakarinig ng mga pag-uusap sa kwarto namin.  kami yun, mga natutulog na tao pero nag-uusap. si juvy ang saksi sa lahat ng mga yon, kasi siya ang gising, siya ang tumatawa dahil sa mga usapang-tulog.

madami pa, iisa isahin ko na lang sa mga susunod kong kwento…

sa mga makakabasa nito, payo lang, wag na wag kayong gagamit ng iisang bath soap para hindi kayo makaramdam relasyong magkapatid ng inyong mga kapartner sa buhay. panatilihin niyo ang aura ninyong kakaiba sa isa’t isa. kung safegurad ang gamit ni mrs, gumamit ka ng irish spring. ganun.

hehe…

nga pala, birthday nya kahapo, February 23… happy birthday ma. bukas na lang tayo celebrate ha, sa bigbrother grill… Mmmmwah!