Jun Seriales


Farewell Post
April 13, 2020, 3:00 pm
Filed under: Uncategorized

Introduction:

man wearing face mask using his phone in the dark

Photo by Engin Akyurt on Pexels.com

Imagine laeng nga adda COVID ’19 mo, adda ka iti uneg iti treatment room, 10 days kan a nakakulong, di daka masirip dagiti pamilyam, ket nagsaon tay doctor nga makin iggem kanyam ket kunana, Sorry, naibusanen ti agas gapu ti kinaadu ti pasyente… Kasayaatanna, daytoy iti cellphone, pumakada kan kadagiti gagayyem mo ken pamilyam…


Entry no. 1

Hello mga Anak lagi nyo tatandaan na mahal na mahal kayo ni mama kayu yung pinakamagandang regalo na natanggap ko sa Panginoon.

Kung hanggang dito nlang ang hiram na buhay ko hwag kayo magtampo at magalit sa mga Doctor at sa Diyos dahil isa ako sa mga nagkaroon ng Covid 19 at hindi na makakasurvive, lumaban ako at nagpapakatatag para sa inyo pero hanggang dito nlang talaga. Isipin nyo nlang na si mama nyo mapupunta na sa mabuting kalagayan at makakapiling na si Papa God. Dina makakaramdam ng sakit.

Magmahalan sana kayung magkakapatid, magtulungan, magbigayan at sana lumaki kayung may takot sa Diyos, isang araw magkakasama din tayu ulit at kailanman dina maghihiwalay pa. Mahal na Mahal kayu ni mama pakisabi sa lolo nyo Mahal ko din sya at patawad sa mga pagkukulang ko bilang anak at hwag na kamo sya masyado mag iinom alagaan nya yung sarili nya dahil wala nku para alagaan sya if magkasakit sya paki sabi narin sa mga tita at Tito nyo Mahal ko sila. Cge na mga anak mag ingat kayu lagi hanggang sa muli nating pagkikita.gusto ko man kayu yakapin at halikan ng mahigpit bago ako umalis pero di pwede. basta mga anak mahal na Mahal kayu ni mama paalam na sa inyo😭😭

 

Nhylana Lyne


Entry no. 2

Mga anak, hindi ko na alam kung gaano pa katagal ang ilalagi ko sa mundong ito. Sa sampung araw na andito ako sa hospital, nahihirapan na din ako, at kahit pilit akong lumalaban sa sakit na ito, alam kong ang Diyos ang may hawak ng aking buhay. Kung ano ang kagustuhan Niya ay tatanggapin natin. Hindi natin alam kailan matatapos ang buhay ko, pero lagi ninyong tandaan, mahal na mahal ko kayo. Napakasakit na di ko man lang kayo makita at mayakap kahit sandali. Miss na miss ko na kayo. Paalam mga anak ko. Magmahalan kayo at magmalasakitan. Huwag ninyo pabayaan ang isa’t isa. Lagi kayong tumawag sa Diyos, Siya ang tanging pag-asa natin. Mahal kayo ni Mama.

– Jen


Entry no. 3

Patgek a Kakailiak ida

(Daton Kadagiti Naapektaran/Frontliners ti CoVid-19)

Nadungngo ni Patay, siaaayat a simmangbay iti panagngudo kinaludonyo a kanito ket iti naikari a disso intulnogna kayo. Ammok, naimeng yuyeng a nagdappatanyo, awan kaasping na. Wen, nadungngo ni Patay. Intundana kayo iti sidongb ti kinaagnanayon, sumapsappupo. Kadagiti muging mi dakami a nabati, dagiti batonlagipyo sitatakder, sitataraki, dagiti naganyo maitamtampok mayeb-ebkas iti puspuso mi kadagiti nasudi a kararag. Ammok, diyo mataltal ti kinapudno, adayokayon. Saankayo a maigawid iti panagngudo kinaludonyo a kanito ket iti naikari a disso itulnog dakayo. Pabalonankayo kinataraki ni tan-ok a tineggedyo ditoy a lubong. Dagiti tugotyo matda a tawid ken tanikala sibibiag latta! Babaen toy numo,

–  Licia Kiss


Entry no. 4

Opps, eto na, the end na daw sabi ng doctor, 10 days na ako dito wala naman talagang pagbabago eh, lalo lang akong pinapahirapan dito emotionally, physically and mentally at kung magtatagal pa ako dito baka nga matuluyan na akong mamatay.

Sabi ng doctor  eto na raw ang pagkakataon na mamaalam sa inyo mga kaibigan at kapamilya ko dahil ubos na ang gamot nila dito sa dami ng pasyente.  Okay doc fine!!! kung mahina ang loob mo, ibahin mo ako sa ibang pasyente mo, kung mamamaalam man ako, sa INYO PO DOC, Goodbye! pauwiin nyo ako ngayun din at sa bahay na lang ako magpapagaling, ramdam ko ‘yun. gagaling ako sa bahay. 

At sa pamilya ko,  Pah, akala mo mawawala na ako at makikipag join ka na sa “kulasisi” mo, no way! mabuti pa ihanda mo ang kubo sa bukid, dun ako tutuloy, ngayon mo patunayang mahal mo ako, aasikasuhin mo ako dun, hatid sundo ng pagkain, hingi ka din ng mga protective gear sa center pra di ka mahawa, magpagawa ka sa mga anak natin ng face shield.

Sa mga anak ko, no worries, sige lang, ML kayo, basta walang lalabas, yung bilin ko vitamin c, i double dose ninyo, ganyan din ang gamot na binibigay sa amin dito at magsi-ulam kayo ng gulay, puro kayo sardinas diyan!, wag mag-antay ng rasyon sa barangay, exempted daw tayo sa amelioration na yan dahil teacher ako, Diyos ko! mamamatay na ako tinext ako na exempted daw tayo? — pag namatay ako mumultuhin ko talaga yang barangay secretary na ‘yan! walang puso. nireplyan ko ah, “sana magka COVID ka rin at sasabihan din kita na exempted ka.” di na sumagot.

Sa mga co-teachers ko, buhay na buhay pa ako, nandito sa cellphone ko ang listahan ng mga utang ninyo, at sana wag na ninyong paabutin na i post ko mga pangalan ninyo, remedyo na kayo, pare-pareho tayong gipit pero sana gumawa kayo ng paraan, masuwerte kayo wala kayong virus. .  Wear mask pls!  at wag sabay sabay na pumunta sa bahay,  nag-aantay ang mga anak ko, gorah, bayad na. 

Lastly, sa mga concern sa akin, salamat sa inyo pero hindi ako papayag na dito ako mamamatay, lalaban ako, wala akong difficulty in breathing at sigurado ako, sa dami namin dito sa treatment room  iba ang nahugot ng doctor na patients record.

P.S. Pah, maglagay ka ng radio  sa kubo, gusto ko makarinig ng kanta ng FDD, gusto kong malibang kahit nag-iisa ako.

– Jam


Entry no. 5

I know I am dying soon. And it hurts to know that I will never see you again, even for one last time. Yes, it is heartbreaking because I am not yet ready to leave. But even if my life ends here, I want to tell you that I have lived a beautiful life and I have fought a good fight. I am blessed to have you as my family and friends and you truly made me happy in so many ways. Thank you for loving me even if I am less than perfect and I am sorry if ever I made you feel bad. I know God has a purpose, so, please don’t cry. Life doesn’t stop just because I am gone. Please celebrate my memories and let them inspire you. I will be in a better place. Please take care of yourselves and always pray. Jesus is already waiting for me. I love you all so deeply and goodbye…

–  KAYREN


 

Entry no. 6

Bago ako mawala sa mundong ibabaw gusto ko muna magpasalamat sa ating panginoon dahil sa binigay niyang buhay sa akin,Maraming maraming salamat O Diyos, salamat din sa magulang ko na walang sawang suporta,pag aalaga salamat din sa buhay, salamat sa lahat.ito na siguro ang araw ng pagbawi ng aking buhay salamat O Diyos sa magandang experience madami mang pagsubok mas madami naman ang blessings na iyong ibinigay,salamat sa pagsubok dhil dun namin nakita ang aming sarili na kame ay matatag,salamat sa buhay kAhit sandali nalang kame dito sa mundo hindi mo parin pinaramdam na hindi mo kame mahal,Ikaw paren ang aming Panginoon na mapagmahal,THANK YOU LORD, And Thank you FRONTLINERS sa pag aalaga sa amin di man namin masuklian ang pagsasakripisyo niyo para sa amin nandyan ang ating Diyos para kayo ay pagpalain sa bawat araw ng inyong pagsasakripisyo sa bawat may sakit nakikita niya ang inyong busilak na puso para makatulong at gampanan ang inyong tungkulin sa mga taong nangangailangan ng kalinga,nawa’y bigyan pa kayo ng Panginoon ng Lakas at Tibay ng loob,kaalaman para makabuo ng sagot o lunas na ating kinakaharap ngaung sakit at sama-sama tayong manalangin ng taos puso…MARAMING MARAMING SALAMAT O DIYOS AND FRONTLINERS FOR TAKING CARE OF US…THANK YOU AND GODBLESS US ALL❣️❣️❣️

– Christy


Entry no. 7

Nanay, how I wish for you to be here at my death bed, but I know it would be so selfish of me to request that, although I know you would come here even without my request. I am so sorry Nanay, I am in so much pain now. Breathing is so difficult, and I know it is only a matter of time before God takes my life away. I know only God can heal me, you taught me to believe and have faith in God. Nanay, don’t cry for me. In time, we will meet again. How I long to hug and kiss you one last time. I think I will sleep now, Nanay. I love you.

-Jing


 

Entry no. 8

Daytuyen ti maudi nga post ko ta talaga nga haan kon kabaelan nga labanan daytoy a sakit ket umir-iruten ti panaganges ko. Daksanggasat ta nakurapayak, haanak a napagasatan nga naikkan ti naisalsalumina a trato a kas kadagiti nababaknang a padak a pasyente. Lima laeng iti makina dituy pagpaagasan nga adda tubo na a mangtulong a mangpaatiddug ti biag ket uray man pay siyakon ti nagasat a mapili kuma nga maikktan ti tubo, saan kon a kayat ta sangapulo nga aldawen nga agrigrigatak. Naaklon kon, a masapol kon ti pumakada.

Ala, kadakayo a gagayyem ko, di dak to liplipatan wen, ammok nga umuna ak laeng ket dakayonto met sumaruno kanyak, kasla angaw ngem idi paylaeng naudi nga panagsisinnarak tayo nga nagiinum ket addan ti marikriknak idi, positibo ak idin ket ammok nga naakaran kayon ngem siyak laeng ti natured nga nagpa check-up, Agpapada tayo nga natangken ti ulo na nga bawal la garuden ti aginom naglelemmeng tayo pay isu nga haan ko metten imbalikas sadiay contact tracing nga dakayo ti naudi a nakalangen langen ko. Uray pupuoten yo adda kadakayon ti padak a lumitlitem ti kuko na, sumanang-ab ngem mabuteng kayo la mangaklon nga positibo kay metten, welcome kayo dituy ospital kunak kuma ngem malas yo bro, napnapno kami dituyen ket no laeng kuma mabalin nga iyebkas ti nagnagan ken istorya mi idi ditoy ket inaramid kon, ngem ilemmeng met ti gobyerno puro met PHXXX ti awag da kadakami.

Inikkan dak gundaway nga agcellphone ken ag post ala sige iwaragawag ko amin nga impormasyon tapno laeng dagiti kurang pay ti buteng na ket mabutnganen bareng adda pay gundaway nga malappedan daytoy nga epidemya.

Dagiti padak a pasyente dituy ket awan duma ti maysa ken maysa, agpapada kami a natangken ti ulo na, pumanasyar, lumanawer ken byahe a byahe kabayatan ti rugi ti lockdown. Kangrunaanna, nasukir a nagsuot ti face mask. Maysa pay nga innak baleksen ket ti kinasurdo mi nga nagpacheck-up ket inlimed mi a naggapu kami byahe isu nga adu ti dodoctor nga naakaran mi ket immuna pay dagiti dadduman sadiyan nagkaysa a biag.

Dakesak kunayo siguro ta inrurumen ko ti padak a tao ta nangiyakarak iti virus, ngem ti makunak, napaidamanak la ngaruden ti asawa, baro a baak la garuden sapay naakaranak pay ti sakit anyapay ngay ti sirsirbik dituy lubong? Nagkas-ang nga gasat saan kadi?

aahhh, rumigrigat ti panaganges ko, di dak pay ket sarungkaranen dagiti nurse uray saggaysan anges ko, ken kanayunen ti payapay ko kadakwada.

Adda laeng maysa a lumdaang nga tattak laeng ipudno kadakayo. Pakawanennak kuma kumpare ta limed a karelasyon ko ni ………..

(hi, ako po si Joan, nurse ni patient Phxxxx patay na po siya at ako na ang pumindot sa POST button ng FB niya)

-PHXXXX


Sa lahat po ng sumali, maraming salamat po.

the four-decade duo

the board of judges



When COVID ’19 Ends
April 10, 2020, 12:48 pm
Filed under: COVID '19 Essay Writing Contest

an essay writing contest.
TOPIC:
When COVID ’19 Ends


Entry no. 1
Nestlen Oliveros Cabañero

COVID ’19:
Digmaang walang kasiguraduhan kung sino ang kalaban,ngunit tiyak ito’y ating mapagtatagumpayan” Covid ’19,isang karamdamang di aakalain ng karamihan na maituturing bilang epidemya na siyang kumitil na at kikitil pa sa maraming buhay. Lahat ng tao’y aligaga sa pananalangin,pagdarasal at pamamanata sa poong maykapal dahil sa pinsalang naidulot at maidudulot pa ng sakit na nabanggit. Sapagkat bilang tao, lahat ay batid na may limitasyon lamang ang ating magagawa kaya lubos ang pagsampalatayang ang epidemyang ito’y mawawakasan sa lalong madaling panahon. Ang oras, araw at buwan maging ang buhay ay may katapusan. Gaya din naman ng ating pinagdadaanan sa kasalukuyan, tiyak ito ay may katapusan.Simpleng pagpapasakop sa patakaran at alituntunin ng bansa’y malaking tulong na upang epidemyang sakit ay unting-unti nang mapugsa at normal na pamumuhay ay muli nating masagupa. Mga mamayang nagsisipaghanap buhay ay makakabalik muli sa kani-kanilang trabaho.Lahat ng mag-aaral na nais magsikhay ng kaalaman at karunungan ay makakapasok na sa eskwela. Lahat ng frontliners ay muling makakapiling ang mahal nila sa buhay. Ang nakasanayang paraan ng pagbati ay maari nang gawing muli, gaya ng pakikidaupang palad, beso-beso at halik. Ngiti at galak ay muling mamumutawi sa mukha ng bawat isa sapagkat maramihang pagtitipon sa simbahan ay papayagan nang muli. Sa bawat pagsubok na dumarating sa ating buhay ay mayro’n at mayroon tayong matututunan. Paghuhugas lagi ng kamay at pagiging malinis sa kapaligiran ay simpleng bagay ngunit napakagandang asal na mapupulot buhat ng COVID ’19. Maging ang pagkakaisa at pagtulong sa kapwa ay napakagandang asal na ating madadala mayron o wala mang sakuna. Nang dahil sa COVID ’19 mas lalong napa-igting ang pagiging maka-tao, maka-kalikasan, at pagigingmaka-Diyos ng mga pilipino. Sa digmaang ating kinakaharap sa kasalukuyan, na tila di natin mawari kung sino at kung saan ang ating kalaban ay tiyak na atin itong malalampasan at mapagtatagumpayan basta tayo ay magtutulungan.

Entry no. 2